ANDRESful FRIDAY!

As the sun set early yesterday and receiving a call from the tropang ANDRES, I decided to call it a day and grab the chance for a well-deserved 'chill time'. 

It was an important meeting I shouldn't missed. Dahil ito'y isang pagtitipon ng mga KATIpunerong alagad ni ANDRES, isang samahan ng mga may asawa o syota na kilalang laging "yes darling" o "oo darling" datapwat paminsan minsan ay nakakalusot pa din naman. LOL

This time, we opted for a change of venue and checked-out Banawe's watering hole aboard Atty. Andres' brand new ride na nakabingwit na daw ng isang tsikas. Sana lang dehins sila nagkalat sa loob. LOL.

Naknampu.... sino nag-order ng bangus? Relax meron naman adobong Kambing. Talaga nga namang ang sarap uminom pag hindi mo kadalasang ginagawa. Para kang batang uhaw sa gatas. Kesehodang MEEEE-MEEEE ang pulutan. SML is really a thirst quencher. Its a 'no wonder' therefore that foreigners tagged Philippine Beers as the best in Asia. Swabe ang hagod ika nga. Nagustuhan ko man ang Kirin o Asahe ng Japan, iba pa rin ang SML.

Naalala ko tuloy sabi sa facebookAlcohol doesn't solve any problem, neither does milk. Tama? 

Na dinugtungan paAlcohol solves no problems, neither does milk. Pero buti pa ang alak, libre kung minsan. E ang Milk? Meron na ba nag-aya sa yo ng "TARA TOL, DEDE TAYO" Sagwa di ba?

Anyhoots, ang usapin ay umiikot sa mga pangyayari sa trabaho at buhay-buhay pero kadalasan ay kwentuhan ng mga bagong escapades at para paraan ng pagpapalusot nang hindi mahuli ni commander-in-chief. At dahil ako'y under probation sa aking commander, it was my turn na maging listener lamang (mahirap na, baka may monitoring ang blog ko). Si Atty. Andres na dahil siguro sa bagong tsikot, as usual, ang madaming kwento haha. Tahimik man syang tingnan eh sya naman ang kadalasang nakakalusot nung meron pa syang commander, at dahil nga kasalukuyang single eh lagi na lang nagmimingle. LOL. 

Maaga pang nagpulasan ang lahat nang si Accountant Andres ay kailangang sumundo kay commander na nag-grocery sa di kalayuan. Samantalang ang Andres ng Gym naman ay tinatawagan na at nang sagutin ang sabi ay wala naman daw missed calls (classic) hahaha. Kahit medyo bangengag na, nakakabilib si Andres na Sosyal na may Market pa dahil naisipan pang bilhan ng cakes ang kanyang mga chikiting. Pasuray suray na tinuntun ang malapit na cakeshop. Ako, Ang Andres ng Blogosphere (LOL) ay nangangailangan na din ng pahinga. Tatawag na si ponytail at ayokong mahalata nya na bangengag na rin at baka malatigo ulit. Si Atty. Andres? Ewan ko kung saan pa sumuot pagkatapos akong maihatid. Malamang binalikan si Ms. 150! Wahahaha. 

Andres man daw sa paningin, masunurin naman sa Darling. Pag sinabing uwi... uwi. LOL. Pero sa aming paningin ito'y isang way of showing our respect to someone whom we are committed with (Choz). 


Ander ka daw?, masama ba?

Tao nga naman, Makitid ang isip!

Masunurin na asawa, Akala kinakawawa 


Mapagmahal sila, Maingat sa salita
Mapag-arugang kilos, Tanda ng respeto
Sa asawang mahal


Totoong lalaki, ang mapagkumbaba

Mahinahon sa kilos, Pino at hindi gasgas
Iniaalay ang puso, sa asawang giliw
sunod-sunuran man, tanda ng pagmamahal


Thus, mula sa isang Andres (LOL), kung paminsan minsan ay nagkakaroon ng pagkakataong makalusot, makaliwaliw at magkaroon ng mga bagong kaibigan (ka-ibigan) wag kakalimutan na at the end of the day, obligasyon ang mangingibabaw at ang pagkakataong panindigan kung ano man ang ating pinanumpaan (weeeeeeee.....). 



Comments

Unknown said…
Padi, Naiyak nman ko sa munting kwento mo. hahaha... at sino si Miss 150?
Anonymous said…
ayaw lang natin ng away kaya ganyan.hehehe.
SuperBasS said…
@Karl: Yung naka red na may sombrero ni santa sa aquarium na nakaupo sa pinakadulo. nyahaha.

@Kuri: Tama pre! sige justify na lang!
Elsa said…
nyahahaha okay to boy ah....kilala ko mga tauhan dito!
SuperBasS said…
@Elsa: sila'y mga kathang isip lamang. LOL

Popular posts from this blog

Sa mga kamay ni T-Birdie

And she went ahead!

The Power of Positive Thinking